« Home | We've been featured and noticed by UNTV 37! Hooray! » | Congratulations to UNTV-37 for winning the People'... » | UNTV 37 website is Philippine Web Awards finalist! » | Why do we love UNTV 37 in Photos? » | UNTV-37 Kasangbahay Mo! »

UNTV 37 victory at the annual Philippine Web Awards

Hay, mabuti at nakipagjamming ang inyong abang mga lingkod doon sa idinaos na Philippine Web Awards sa napakasosyal na C. Romulo Auditorium ng RCBC Plaza sa Makati City. Akala namin itataboy kami kasi di naman kami IT geek o smart alecky, pero buti na lang ... mababait naman pala ang mga organizers ng Philippine Web Awards ...

At eto pa, muntik na talaga kaming di makapasok kasi di kami nagpareserve ng ticket, kumbaga sa lilipad ng eroplano, chance passenger kami, ganun din ang ginawa namin dito, "chance audience" kami. At buti napakisuyuan, at pumayag na rin ang mga organizers na pagbentahan kami ng ticket (buti di na kami lumuhod doon at nagbitaw ng linyang: bukas luluhod ang mga tala) ... akala ko nga libre din pagkain (he he he he he) ... pero sulit naman eh ... magaling at nakakaaliw ang event .... teka, teka ... mamaya na pala ang kuwento ko ... pictures muna ... teka upload lang namin ilang photos rito ng pagtanggap ng award mula sa award-giving body na tinatawag na Webbys ng mga Pilipino (ang orig na Webby Awards ay New York-based).

Para di na tumagal, eto na ngayon ang mga photos:

Eto ang kuha ng pagtanggap ni Atty. Batas at Ms. Lyn Perez ng What's Up, Doc? ng People's Choice Web Award.

Tumanggap din ang Danielrazon.com ng People's Choice Award. Akala nga namin ito na mananalo kasi ito na yata pinakamagandang celebrities website na kalahok, pero sa kasamaang-palad, nakalusot ang isang Philippine tarsier at ito pa pala ang mananalo (he he he he). Pero no regrets, sa puso namin, ito pa rin ang Best Website in Celebrities Category ...

Naku, saka na lang ulit siguro kami maguupload ng mga photos, ang bagal ng internet dito sa internet shop na ito. Kakainis naman (alam namin mabibitin kayo, pero sige some other time, pilitin pa namin maiupload mga photos na magaganda).

Labels: , , , , ,

About the Author

  • Author: Kasangbahay Mo!
  • Country: Philippines
  • Move out GMA-7. Move out ABS-CBN! We have found a replacement for your thread-of-the-mill and tried programs that continue to permeate the unwary Filipino's consciousness here in the Philippines. We created this fan site devoted to our favorite alternative yet intelligent station, UNTV 37. More importantly, with this fan site for UNTV 37, we gather relevant and fun information about our favorite TV station today. So be always on look out guys!
My Profile

Chatter Box


Click the Ads